Martes, Hunyo 21, 2011

Ang RH BILL SA PILIPINAS

Para sa akin dapat maipatupad ito dahil hindi tanga ang mga bata ngayon sa pilipinas. Ako’y nag aral sa eskuwelahan na pang babae lamang at masasabi kong nasa grade 6 palang ako ay madami na akong alam. Lumaki ako sa pamilyang hindi kumpleto at nakakalungkot man sabihin, hinanap ko sa ibang tao ang pagiging bilang sa isang pamilya. Nagkaroon ako ng boyfriend nung nasa second year ako, okay naman kame. Nung mag iisang taon na kameng dalawa, nalaman ko na nabuntis niya ang kaibigan ko. Nakakagulat, pero namulat ako sa katotohanan na parang nasa ibang bansa lang din tayo. Makikita natin sa mga palabas na may mga taong nabubuntis, may mga taong naiinlove at may mga taong naging tanga lang at dahil sa pag ibig ay ibibigay ang lahat. Natutuwa ako sa sarili ko dahil hindi ko hinayaang mangyari sa akin yun. Nakakalungkot na ilan din sa mga kaibigan ko ay may mga anak na, madami sa batch ko ang bata pa lang ay nag aalaga na ng bata. Meron pang 16 years old lang ay may 2 taong gulang na anak na. Hindi ko sasabihin kung sino sila, pero bilib ako, nagawa nilang akuin ang responsibilidad na hindi kaya gawin ng madaming matatanda ngayon. Pero para sa akin,dapat naiwasan nila iyon dahil masisira lang ang kinabukasan nila. Madaming paraan para lumigaya, at hindi iyon sa pakikipag talik o pakikipag landian sa kahit sinong mag bibigay ng attention sayo. Naalala ko, nung ako ay nasa high school pa lang, hindi ko maiwasang matuwa pag may lalake na nagbibigay ng atensyon sa akin. Hindi kasi ako napapansin sa bahay namin at malungkot ako dahil wala akong mga magulang. Kasama ko lang ang mga kapatid kong babae at ang lola kong napaka busy sa mga trabaho niya. Siguro kung natuloy lang ang RH bill noon pa, matuturuan ang mga kaibigan ko tungkol sa problemang maiibibigay ng pagbubuntis at pagkakaroon ng anak. Iilan lang kasi sa kanila ang sinamahan ng mga ama ng bata hanggang ngayon. Sinabi nila sakin na mahirap mabuntis lalo na kung bata ka pa lang, makikita mo sa mga tingin ng tao kung ano ang iniisip nila at hindi nila maiiwasang pag usapan ka at tignan ka ng masama. Malungkot daw mabuntis dahil minsan di moa lam kung bakit ka naiiyak. Minsan, madami kang hahanapin at pag hindi mo ito nakuha ay malunlungkot ka lang. sabi nila, kung maibabalik lang nila ang oras, hindi nila iyon gagawin. Hindi daw kasi tama. Hindi rin nila alam na mangyayari iyon. Kung maaga lang sila nasabihan at kung nabuksan lang ang topic na ito, edi sana hindi gaano karami ang mga bata o teenager ang may mga anak. Hindi rin kasi natin masasabi na dahil mahirap ang tao ay wala siyang alam sa mga ganitong bagay, may kaya ang mga kaibigan ko at masasabi kong sa edad na wala pang bente, mahigit sampu na ang kilala kong may anak na sa ngayon. At malamang sasabihin nilang masaya sila. Pero daw, kung maibabalik lang ang oras ay sana hindi iyon nagawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento